Lolo, Tinangay ng Ilog

NAREKOBER NA ang bangkay ng isang lolo na nalunod sa ilog sa Brgy. Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Placido Boromeo, 64, isang magsasaka at residente ng Brgy. Baduang, Pagudpud.

Sinabi ni S/Insp Roger Digmayo, chief of police ng Pagudoud, halos magdamag na hinanap ng kanyang mga kamag-anak ang biktima matapos magpaalam upang kunin ang kanyang alagang baka.

Hinihinala na hindi nakayanan ng matanda ang malakas na agos ng tubig sa ilog hanggang sa malunod.

Ang bangkay ay narekober nang bumaba ang tubig sa ilog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.