Lolo, tinaga sa selos

ANG SELOS AY nakamamatay. Ito ang naging dahilan ng kamatayan ng isang  61-anyos na lolo makaraang tagain at saksakin sa lalawigan ang Antique.

Kinilala ang biktima na si Jaime Vicente ng Brgy. Nazareth, Sibalum, Antique.

Ayon kay PO2 Fredick Padilla ng Sibalum PNP, nagseselos ang suspek na nakilalang si Romeo Millamina kaya’t tinaga ang biktima.

Una rito, naabutan ng salarin ang biktima sa bahay ng kanyang nakahiwalayang misis.

Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa paa, dibdib at kamay at sinaksak pa sa ilalim na bahagi ng dibdib.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.