Lolo, tiklo sa pagbebenta ng shabu

ARESTADO SA isinagawang buy-bust operation ang 60-anyos na lolo dahil umano sa pagbebenta ng Shabu sa Barangay Damortis, Rosario, La Union.

Nakilala ang suspek na si Abelardo Soria, residente ng Barangay Camp 1 sa nabanggit na bayan, at nadakip sa pamamagitan ng pinagsanib puwersa ng mga kinauukulan at mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay C/Insp. Erwin Dayag, hepe ng Rosario Municipal Police Station, apat na sachet ng hinihinalang Shabu ang nakum-piska kay lolo Soria.

Samantala, nakakulong na ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.