Lolo, Tigok Sa Atake De Corazon

PINANINIWALAANG ATAKE sa puso ang tumapos sa buhay ng isang 67-anyos na lolo sa Brgy. Polocate, Banga, Aklan.

Sa blotter ng Aklan PNP, nakilala ang biktimang si Melanio Naigue Jr., magsasaka at residente ng naturang lugar.

Natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa palayan na hindi na humihinga at malamig nang bangkay kamakalawa ng tanghali.

Agad namang ipinagbigay alam sa pulisya ang insidente.

Malakas ang hinala ng awtoridad na atake sa puso ang sanhi ng kamatayan ng lolo dahil wala namang nakitang galos sa ulo at katawan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.