Lolo, pinatay ng mga ka-jamming sa bato

PATAY ANG ISANG lolo matapos barilin ng isa sa tatlong lalaki na ka-jamming ng una sa Shabu sa loob ng bahay ng biktima sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Sabu Rosal, alyas “Sammy”, 52 ng 1st St., Tañong ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang alyas Francis at dalawang hindi pa kilalang kasama nito.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng hapon, pumasok ang mga suspek sa loob ng kanyang bahay at makalipas ang ilang sandali ay narinig na lamang na nagsisigawan ang mga ito.

Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga kapitbahay bago nakitang papalabas ang mga suspek at nagmamadaling tumakas.

Nang pasukin ang biktima ay nakitang nakadapa na at may tama ng bala sa ulo na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Ilang drug paraphernalia ang nakita sa loob ng bahay na sinasabing ginamit sa pot-session kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.