Lolo, pinagtulungang tagain dahil sa kawayan

PATAY ANG isang lolo matapos pagtulungang saksakin ng magkapatid sa bayan ng Sison, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Nicanor Lino, 63, habang ang magkapatid na salarin ay kinilalang sina Ronnie at Arnold Arellano, nasa hustong gulang, kapwa mga residente sa Barangay Paldit.

Lumalabas sa report ng pulisya, pinasok ng mga salarin ang biktima sa bahay nito at doon na pinagtulungang bugbugin at saksakin.

Naisugod pa sa ospital ang matanda subalit agad din itong nasawi matapos magtamo ng malalim na saksak sa ulo at tiyan.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, agawan sa kung sino ang may-ari ng nakatanim na kawayan sa bakuran ng biktima ang motibo sa krimen.

Samantala, nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang magkapatid na salarin na kasalukuyang  nananatili pa rin sa kustodiya ng Sison PNP.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.