Lolo, Patay sa Trak

DEAD ON the spot ang isang lolo matapos mahagip ng truck sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang nasabing biktima na si Aproniano San Juan, 85-anyos.

Pauwi na sana ang matanda sa kanilang bahay nang maisipang daanan ang tindahan ng kaniyang kapatid na nagpaalala pa ritong mag-ingat ng mabuti.

Bagamat may dalang bisikleta ay minabuti umano ng biktimang maglakad na lamang nang biglang mawalan ng kontrol ang driver ng isang truck patungong Polangui, Albay na si Pedro Escano daan upang mahagip ang biktima na tumilapon sa tabi ng kalsada.

Seryosong pinsala sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

               

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.