Lolo patay sa taga ng kapatid

 

ILOCOS NORTE – HALOS maputol ang ulo ng isang lolo makaraang tagain ng sariling kapatid sa Bgy. Bubuos, sa baya ng Solsona, kamakalawa.

Sa ulat na ipinarating ng Ilocos Norte PNP, kinilala ang biktima na si Virgilio Tomas, 67-anyos, habang kusang loob namang sumuko ang suspek na si Andres Lucas, parehong residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-away ang magkapatid matapos sitahin ni Andres ang asawa ni Virgilio.

Narinig umano ng suspek ang paninita dahilan para magtalo ang mga ito hanggang sa kumuha ng itak at walang sabi-sabing tinaga ang biktima na nagdulot ng  grabeng sugat sa leeg at ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay

Sinasabing away sa lupa ang natukoy na sanhi ng away ng magkapatid.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.