Lolo patay sa sariling boga

LA UNION – HINDI akalain ng isang lolo na siya ang gagawa ng armas na papatay sa kanya sa bayan ng Aringay sa lalawigang ito.

Ayon kay Sr. Insp. Reynaldo Soria, hepe ng La Union PNP, aksidenteng pumutok ang improvised gun o sumpak na ginawa ni Claudio Alba, 62-anyos ng Brgy. Pangao-aoan West.

Gayunman, sa kasamaang-palad, sa katawan ni Lolo Claudio tumama ang bala ng sumpak.

Sinabi ni Soria, nagtungo sa gubat ang biktima at ang dalawang kasamahan nitong lalaki upang mangahoy.

Habang nagpapahinga ang mga ito ay natumba umano ang nakasakong baril ng biktima at biglang pumutok at tumama ang bala sa dibdib nito.

Dahil dito, agad binawian ng buhay ang lolo at hindi na nagawang maisugod ng mga kasama nito sa ospital.

Sinasabing lasing ang biktima nang mangyari ang insidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.