Lolo, Patay sa Polling Center

NABALOT NG kalungkutan ang isang polling precinct matapos na mamatay sa heat stroke ang 70-anyos na lolo sa Barangay Ibaan, bayan ng San Pascual, Batangas kamakailan.

Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director ang biktima na si Luis Manalo. Nabatid na nakipagsiksikan ang biktima upang hanapin ang kanyang pangalan sa talaan ng mga botante sa polling precinct kung saan napagod bago nakaboto bunga ng siksikan sa voting center.

Ilang minuto bago natumba ang matanda na dumaing ng paninikip ng dibdib ay nakaboto na ito kung saan nagawa pang maisugod sa pagamutan pero idineklara na itong dead on arrival.

Samantala, lumilitaw naman sa pagsisiyasat na atake sa puso bunga ng sobrang pagod ang ikinasawi ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.