LOLO, PATAY; 2 APO KRITIKAL SA AMOK

PATAY ANG ISANG lolo, habang kritikal ang dalawa nitong apo nang pagtatagain ng nagwawalang kapitbahay sa Amadeo Cavite, noong Miyerkules.

Nasawi habang ginagamot sa De La Salle Hospital ang biktimang si Blas Ermitanio, 84 na nagtamo ng maraming taga sa ulo.

Isinugod din sa pa-gamutan ang apo nitong sina Edlyn Ermitanio, 13; at Kim Abel Ermitanio, 20, pawang residente ng Brgy. Halang Amadeo, Cavite.

Tinutugis naman ng pulisya si Ariel Rue, 31, binata na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 12:30 ng tanghali sa naturang barangay.

Bumibili umano ang dalawang biktima sa isang tindahan nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek na armado ng bolo at walang sabi-sabing hinataw sila ng taga.

Sugatan man ay nagawang makatakbo ng mga biktima at humingi ng saklolo sa nagpapahingang lolo. Gayunman, nang makita ng salarin ang matanda ay agad din itong pinagtataga sa ulo.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan habang tumakas ang suspek at iniwan ang bolong ginamit sa pananaga.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.