Lolo, Patay; 15 Pa, Tumba sa Pato

MALAKAS ANG hinala ng Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur na ang kinaing pato ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki at pagkakasakit ng mahigit 15 kamag-anak nito.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Felix Bienan, 70, ng Barangay Patag habang tatlo sa 15 naapektuhan nito ay nananatili pa sa ospital.

Ayon kay Eduardo Margaluejos ng RHU, posibleng ang kinaing pato ng pamil-ya Bienan ang dahilan ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ng mga ito.

Napag-alamang isang patay na pato mula sa palayan ang niluto at kinain ng nasabing pamilya.

Tumibay pa ang paniniwalang ito ng RHU nang lumabas sa water test na negatibo sa bacteria ang iniinom na tubig ng pamilya Bienan. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.