Lolo, parang asong sinagasa

MATAPOS MAPAGKAMALANG aso na nakahiga sa daan, binawian na ng buhay ang 66-anyos na lalaki sa lungsod ng San Carlos na nasagasaan ng kotse.

Nakilala ang nasabing biktima na si Jose Mendoza, residente ng Brgy. Turak, San Carlos, Pangasinan.

Sinasabing dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na ito nakauwi ng kanyang tirahan at sa gitna na lamang ng kalsada natulog.

Samantala, napagkamalan naman itong nakahigang aso ng driver ng kotseng nakasagasa dito na si Jingle Reyes, 36, isang bank employee.

Agad namang itinakbo ni Reyes ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival na.

Sa ngayon nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.