Lolo, ninakawan ng P20K ng GRO

NAWALAN NG P20,000 ang isang lolo na dumayo pa sa lungsod ng Davao upang maghanap ng panandaliang-aliw.

Dumulog kamakailan sa Sta. Ana Police Station ang isang Marcial Beltran, 68, residente ng Mabini, Mainit, Surigao del Norte matapos makasama ang isang commercial sex worker sa loob ng isang tourist inn, sa Villa Abrelle, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa pahayag ni Beltran, nagpatulong umano siya sa isang taxi driver upang makahanap ng babae na makasama sa kama.

Isa umanong seksing babae ang kanyang nakuha at napag-usapan na babayaran niya ito ng P2,000 pagkatapos ng tatlong round nilang pagtatalik.

Matapos umano ang unang round, isang oras nakatulog ang biktima, at nang magising siya ay wala na ang babae at ang kanyang dalang P20,000.00 ay nawawala na rin.

May hinala ang nabanggit na senior citizen na pinagnakawan siya ng babae na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahanap. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.