Lolo, namatay sa sarap

 

LABIS ANG pagkabigla ng attendant ng resort nang sumugod ang isa sa kanilang babaeng customer na suot lamang ang underwear upang humingi ng saklolo matapos na atakehin ang kanyang kasama.

Una rito, magkasamang pumasok sa isang resort sa bayan ng Sto. Domingo, Albay ang hindi na pinangalanang dalaga at ang 64-anyos na lolo na kinilalang si Virgilio Purisima, residente ng Brgy. Cararayan, Tiwi, Albay para sana sa panandaliang-aliw.

Subalit, hindi pa man nagtatagal sa kanilang silid at habang nasa kainitan umano ng kani-lang pagtatalik, bigla na lamang nakaramdam

ng paninikip ng dibdib ang matanda at tuluyang inatake sa puso.

Sinubukan pa sanang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Samantala, hinihintay na lamang ng mga kinauukulan na lumabas ang resulta ng autopsy upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.