Lolo, nagpakamatay gamit ang kutsara

WALA NG buhay nang matagpuan ng mga kaanak sa loob ng kanilang ta-hanan ang 61-anyos na lolo matapos nitong saksakin ang sariling katawan gamit ang kutsara sa Brgy. Allangigan, San Juan, La Union dakong alas-10 ng gabi kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Rafael Demaandal, residente ng naturang lugar.

Base sa pagsisiyasat mula sa San Juan Municipal Police Station, nakahandusay at duguan ang hubad na katawan ng biktima nang madiskubre ito ng sariling pamilya sa loob ng kanyang silid.

Natagpuan din ang isang kutsara sa tabi ng lolo na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagsaksak ng maraming beses sa tiyan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sinasabing ang idinadaing na sakit na asthma o hika ang nagtulak sa biktima upang wakasan nito ang sariling buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.