Lolo, Nabundol ng Pari, patay

BINAWIAN DIN ng buhay ang isang lolo na nabundol ng isang pari sa bayan ng Ocampo sa Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Chirstian Oida, nabatid na hindi na umano kinaya pa ng 63-anyos na si Jose Beraña ang tinamo nitong seryosong tama sa kanyang katawan matapos mabundol ng motorsiklo ng sugatan namang si Fr. Noel Banderas ng St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Presentacion.

Nakatakda namang makipag-ugnayan sa PNP ang mga kaanak ni Beraña upang alamin ang susunod na hakbang kasunod ng pangyayari.

Sa ngayon, nananatili namang tikom ang bibig ng pamilya ni Fr. Banderas.

Una rito, nagkasalpukan ang dalawa matapos na bigla na lamang mag-U-turn si Beraña at sumalpok sa paparating namang si Banderas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.