Lolo na pumalag sa holdaper, kritikal

HINDI INAKALA NG isang lolong tricycle driver na malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito matapos saksakin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nagpanggap na pasahero kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakaratay sa Tondo General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Alfredo Ciego, 60 ng Shell House, Dagat-dagatan ng lungsod.

Base sa ulat, alas-5:30 ng umaga, sakay ng biktima ang mga suspek sa tricycle at habang binabaybay ang Dagat-dagatan Avenue ay nagdeklara ng holdap ang mga huli.

Pumalag ang biktima at tumangging ibigay ang kita at gamit na naging dahilan upang saksakin ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.