LOLO MAY TEXTMATE TINIGBAK NI MISIS

PATAY ANG ISANG lolo nang saksakin ng kanyang asawa dahil sa pagpapalit ng SIM card, sa La Union, noong Lunes.

Kinilala itong si Alberto Timario, 70-anyos, habang ang kanyang asawa ay nakilalang si Erlinda.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Gana, sa bayan ng Caba sa La Union.

Nabatid na nagsimula ang away ng dalawa nang umuwing lasing ang lolo at pinagalitan ng kanyang misis dahil nagpalit ng SIM card kaya’t pinagdudahang may textmate ang biktima.

Sa gitna ng pagtatalo, sinaktan ni Alberto ang asawa na hindi naman nakapagpigil at kumuha ng kutsilyo saka isinaksak sa biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.