Lolo, Kulong sa Panggagahasa sa 3 Pamangkin

MATAPOS ANG pitong taon ay nadakip na ang lolo na kinasuhan ng panghahalay sa tatlong pamangkin ng kanyang asawa nang lumabas ang warrant of arrest sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong 20 counts of Rape in relation to Child Abuse si Crispin Morales, 67, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng hapon nang dakpin ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Andres Soriano ng RTC Branch 124.

Nabatid na noong 2005 ay inireklamo ang suspek ng panghahalay sa tatlong pamangkin ng kanyang asawa na noon ay may mga edad 13, 14 at 15 sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na noong Mayo 12, 2012 ay lumabas ang warrant of arrest laban sa suspek na naging dahilan upang puntahan sa bahay at arestuhin ng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.