Lolo, Kalaboso sa Pangingikil sa Retiradong US Navy Officer

KULONG ANG isang lolo matapos itong ireklamo ng pangingikil ng isang retiradong US Navy sa San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang salarin na si Jinaro Bacani, 61, residente ng naturang lungsod.

Base sa report ng mga kinauukulan, napulot ng suspek ang wallet ng isang retiradong US Navy na tumangging pangalanan na naglalaman ng P7,000 at mga mahahalagang ID.

Subalit sa halip na isauli ng matanda ang napulot na wallet ay tinawagan umano nito ang biktima at humi-hingi ng P2,000 kapalit ng napulot nito.

Samantala, todo-tanggi naman sa paratang ang lolo matapos agad na madakip ng mga kinauukulan sa isinagawang entrapment operation laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.