Lolo, Inatado Bago Pinutulan ng Ari

DUGUAN AT wala nang buhay sanhi ng maraming saksak sa katawan at putol rin ang ari ng isang 63 anyos na lolo na natagpuan ng mga concern citizen kahapon ng umaga sa isang kanal sa Upper San Carlos Heights, Baguio City.

Sa ulat na tinanggap ni Police Insp. Eliasar De Vera, commander ng Station 9 ng Baguio City Police Office, kinilala ang biktimang si Michael Gaymen, residente ng Camp Allen, Baguio City.

Base sa inisyal na im-

bestigasyon ng mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, nagtamo ng maraming saksak sa kanyang katawan ang nasabing lolo at pinutol pa ang kanyang ari.

Nabatid  sa mga kaanak ng biktima na nakatakda sanang magdiwang ng ka-nyang ika-64 na kaarawan ang matanda kasabay ng araw ng mga Puso.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nasalikod ng karumal-dumal na pamamaslang.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.