Lolo dinaliri ang sariling apo

SHOOT SA KULUNGAN ang isang 67-anyos na lolo matapos ireklamo ng kanyang 9-na taong gulang na apong babae nang tatlong beses nitong daliriin ang huli kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas City Police at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Alfredo dela Cruz Sr. y Solis, 67, may-asawa, ng No. 462 B. Cruz St., Brgy. Tangos, Navotas City.

Sa ulat na ipinadala ni P02 Eva Rala, may-hawak ng kaso, ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) – Malabon Police kay P03 Arlene Alvero, OIC-WCCD, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon kay Jopay, (di-tunay na pangalan), 9, grade-3 pupil, ka-tabi niyang natutulog ang kanyang lolo (suspek) at kapag himbing na siyang natutulog ay ipinapasok sa kanyang ari ang daliri ng suspek.

“Tatlong beses na po niyang ginagawa sa akin, nitong mga nagdaang buwan at nitong huli ay kahapon ng madaling-araw, katabi ko po ang lolo ko sa pagtulog, pagkatapos po ipinapasok niya ang kanyang daliri sa ‘k_k_’ ko,” kuwento pa ni Jopay.

At nitong huli ay naglakas-loob nang nagsumbong si Jopay sa kanyang tatay at hindi nagdalawang-isip na isuplong sa mga awtoridad na naging dahilan ng agarang pagkakadakip sa suspek.  (MARY H. SAPICO)

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.