Lolo dedo sa banggaan ng motorsiklo at pajero

CANDON CITY, ILOCOS SUR – Patay ang isang 61-anyos na lalaki matapos na makipagbanggaan ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang Pajero sa kahabaan ng National Highway sa Bgy. San Juan ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng PNP-Candon ang biktima na si Pedro Ramos, Jr y Valentino, may asawa, ng Bgy. Bagani Ubbog, Candon City habang boluntaryo namang sumuko matapos ang insidente ang driver ng Pajero na si Jaime Sebastian y Sotor, 47, residente ng # 10 Plaridel St., Vigan City.

Base sa imbestigasyon, huling namataan ang biktima na nakasakay sa TMX (PA 9931) bandang alas-9:20 ng gabi sa naturang daan nang makasalubong nito’t maka-salpukan ang kulay maroon na Mistsubishi Pajero (UBM 808).

Nabatid na isa sa dalawang sasakyan ang nawala sa kanilang linya kaya nagkasalpukan.

Sa gitna ng salpukan, kitang-kita ng mga by-stander kung paano tumilapon at bumagsak na una ang ulo ang biktima sa sementadong kalsada na naging sanhi ng pagkabiyak ng ulo nito.

Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan si Ramos matapos ang insidente ngunit idineklara ng mga doktor na dead-on-arrival na ang biktima.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.