Lolo, Dakip sa Panghihipo sa Menor

KULUNGAN ANG kinabagsakan ng isang lolo sa Camarines Norte na nahaharap sa kasong panghihipo sa isang menor de edad.

Kinilala ang salarin na si Silvestre Patalinhog, Jr., alyas ‘Lolo Jun’, 57, isang mangingisda at residente ng Barangay San Lorenzo, Sta Elena.

Si Patalinhog ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court Branch 64, sa bayan ng Labo.

Nabatid na kabarangay lamang ng salarin ang kanyang biktima at isang menor de edad.

Pinapayagang makapagpiyansa ang suspek ng halagang P80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nananatili sa kustodiya ng Sta. Elena PNP si Lolo Jun.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.