Lolo, Binoga ng Sariling Apo

NAPASLANG ANG 70-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng  apong lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Purok Marang, Barangay Saguing, bayan ng Makilala, North Cotabato, kahapon.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Manuel Gamao habang kinilala naman ang suspek na si Gerry Pequit, 23.

Base sa police report, nakipagtalo ang biktima sa kanyang apo hinggil sa pag-uwi nito ng lango sa alak araw-araw.

Minasama naman ng salarin ang tinuran ng kanyang lolo kaya pinagbabaril gamit ang airgun.

Napuruhan sa ulo at dibdib ang matanda kung saan nadala pa ito sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad habang pinaghahanap naman ang salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.