Lolita Rodriguez, pumanaw na sa edad na 81

 alt=

Lolita Rodriguez

Lolita Rodriguez

Matapos ma-stroke may dalawang buwan na ang nakalilipas, tuluyan nang binawian ng buhay ang magaling na aktres na si Lolita Rodriguez sa edad na 81.

Ayon sa mga ulat, November 28, alas-9:40 ng umaga, nang pumanaw si Lolita (Lolita Marquez Clark sa tunay na buhay) sa kanilang tirahan sa California, USA.

Nagdesisyong manirahan si Lolita sa Amerika noong dekada ‘80 kasama ang mga anak sa dati niyang leading man na si Eddie Arenas.

Kinikilala bilang isa sa pinakamagaling na aktres sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, nagsimula si Lolita bilang artista sa bakuran ng Sampaguita Pictures, kung saan una siyang lumabas sa pelikulang “Ating Pag-ibig na pinagbidahan nina Pancho Magalona at Tita Duran.

Kabilang sa mga nilabasan at pinagbihang pelikula ni Lolita ang “Cofradia”, “Tres Muskiteras”, “Pilya”, “Sabungera”, “Jack and Jill”, “Batas ng Alipin”, “Gilda”, “Kanto Girl”, “Sino ang May Sala?”, “Pitong Pagsisisi”, “Octavia”, “Wen Manang”, “The Big Broadcast”, “Trudis Liit”, “Sa Kuko ng Lawin”, “Saan Ka Man Naroroon”, “Kapag Puso’y Sinugatan”, at “Ikaw”.

Dekada ‘70 nang ,mapanood si Lolita sa mga critically-acclaimed at award-winning na pelikula tulad ng “Stardoom”, “Tubog Sa Ginto”, “Tinimbang Ka Ngunit Kulang”, “Mortal”, “Ina Kapatid Anak”, at “Ina Ka Ng Anak Mo”.

Kinilala ang husay ni Lolita bilang alagad ng sining sa napalunang Best Actres thropies para sa mga pelikulang “Gilda” (1956, FAMAS), “Kasalanan Kaya?” (1968, Manila Film Festival), “Stardoom” (1971, Citizen Council for Mass Media Awards), “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” (1971, FAMAS Awards), at “Ina Ka Ng Anak Mo” (1979, Metro Manila Film Festival).

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

3 thoughts on “Lolita Rodriguez, pumanaw na sa edad na 81

  1. kulang kulang talaga mga writer at puro tanga ang writer ng showbiz di nila alam mga sinusulat nila eh saan ung PARADISE INN wala sa listahan mo tanga ka talaga kasama nya doon si Vivian Velez. Eh inutil kang writer ka.

    • bobo ka ring magbasa no joel? sabi nung writer “Kabilang sa mga nilabasan at pinagbihang pelikula ni Lolita…” di naman sinabing “Ang mga nilabasan at pinagbidahan…” meaning, kung marunong kang mag-isip, hindi ‘yan listahan ng lahat ng naging pelikula ni lolita. i’m sure mas marami pang pelikula si lolita na hindi nabanggit ng writer. bobo lang?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.