Lolang edad 100, nalunod sa fishpond

ISANG LOLA ANG nasawi nang malunod sa isang fishpond sa bayan ng Kiamba, Sarangani.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Regina Marguez, 100 taong gulang ng Bgy. Nalus. Ang bangkay ng lola ay natagpuang nakalutang  umano ng kanyang kapitbahay sa fishpond.

Sa imbestigasyon, pinaniniwalaang nadulas sa isang bahagi ng fishpond ang matanda dahilan para ito ay mahulog, at dahil sa katandaan ay nalunod.

Napag-alaman na ang biktima na kahit na 100-anyos na ay naglalakad pa rin at gumagawa pa ng magagaan na trabaho.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.