Lolang basurera, durog ang bungo sa truck

DUROG ANG bungo ng isang lola matapos itong mahagip ng truck habang nakatayo sa kanto kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Hindi na umabot pang buhay nang itakbo sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang si Juvey Alcantara, 56, ng NBBS South Navotas City, sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang upang alamin ang pagkakakilanlan sa driver ng truck na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dalagang Bukid at C-3 road Northbay Boulevard South, Navotas City.

Base sa kuha ng Closed Circuit Television Camera (CCTV) sa nasabing lugar, nangangalakal ng basura ang biktima nang mahagip ng rumaragasang Green Tractor Head na may hatak na skeleton trailer truck.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.