Lolang abortionist, laglag

LAGLAG ANG 88-anyos na lolang abortionist at ang kanyang ahente sa isinagawang entrapment operation sa bahay ng una makaraang mamatay ang dalagang nagpalaglag sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang abortionist na si Catalina Garcia-Jose, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod at ahenteng si Rosalinda Dimaculangan, 56, ng VMN Cmpd., Potrero, Malabon City.

Nabatid na apat na buwang buntis si Jorgia Marjorie Macabasag, 18, ng Bisig ng Kabataan at nagpasyang ipalaglag ang sanggol matapos makilala si Dimaculangan.

Marso 25, 2012, dinala ni Dimaculangan ang biktima at nobyo sa bahay ni Catalina at nagkasundong ilalag ang fetus kapalit ng P4,000.

Marso 28, 2012 sobrang nanghihina na ang biktima kung kaya tinanong kung ano ang nangyari na ipinagtapat naman ng dalaga sa mga magulang na naging dahilan upang dalhin sa Amang Rodriguez Memorial Hospital subalit namatay kinabukasan.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang mga magulang ng biktima hanggang sa magsagawa ng entrapment kamakalawa ng gabi, alas-7 sa bahay ni Catalina.

Isang pulis na babae ang nagpanggap na magpapalaglag at nang uumpisahan na ay nagpasukan na sa bahay ang iba pang pulis.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dambahin ng mga pulis kung saan nakumpiskahan ng mga gamit sa abortion.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.