Lolang abortionist, laglag sa mga parak

MULING NADAKIP ang isang abortionist na hindi tumigil sa paglalaglag ng mga sanggol kung saan naaktuhan pa ang una habang muling naglalaglag sa Caloocan City, iniulat kahapon.

Nakilala ang suspek na si Catalina Jose, alyas Aling Tali, 92, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang dalagang nagpapalaglag dahil sa dami ng du-gong nawala na si Joan Bertiz, 22, ng Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.

Sa naantalang ulat ng mga pulis, alas-4 ng hapon noong Huwebes, dala ang warrant of arrest ni Jose ay pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng lola at naabutan ang dalaga na nakahiga sa kama sa loob ng bahay ng suspek.

Inamin ng dalaga na ipinalaglag niya ang 5-buwang fetus sa kanyang sinapupunan sa halagang P4,000 na naging dahilan upang agad na dalhin sa nasabing ospital habang dinala sa presinto si Jose kasama ang mga gamit sa paglalaglag.

Lumalabas na ilang beses nang nadakip si Jose subalit matapos makapagpiyansa ay nagpapatuloy sa ilegal na gawain.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.