Lola, utas sa adik

MALAGIM ANG sinapit ng isang 84-anyos na lola sa kamay ng isang 29-anyos na tambay makaraang itali at burdahan ng saksak saka ibinaon sa likod-bahay nito sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktimang si Cleofe Manubay, residente ng Brgy. Dalas sa nasabing bayan.

Arestado naman ang suspek na si Romel Egay, tambay at kapit-bahay ng biktima.

Ayon sa PNP Labo, tinalian ng tire wire ng suspek ang katawan ng biktima saka sunud-sunod na inundayan ng saksak sa hindi malamang dahilan.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek dahil ibinaon pa ito sa labas ng bahay at saka sinunog ang bahay ng matanda.

Sinabi ni PO2 Norberto Ehi, posibleng pagnanakaw ang motibo ni Egay habang hindi inaalis na bangag ito sa droga nang gawin ang krimen.

Hustisya naman ang isinisigaw ng pamilya Manubay habang  agad na nagsampa ng kasong Murder at Arson laban kay Egay upang matiyak na mabubulok ito sa kulungan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.