Lola, tinangayan na; ginilitan pa

MALAGIM ANG sinapit ng isang lola na negosyante makaraang pagnakawan ay ginilitan pa sa loob ng kanyang tindahan sa Tacloban City, Leyte.

Ayon kay Sr. Insp. Darwin Morallos, team leader ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) Region 8, nakilala ang biktimang si Conchita del Rosario Lim, 70, negosyante at residente ng Brgy. 52 Magallanes ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, ti-nangkang pugutan ng mga hindi nakikilalang salarin si Lim dahil sa gilit sa kanyang leeg.

Pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo ng naturang krimen, matapos na mawala ang humigit kumulang P70,000 na cash sa loob ng kuwarto nito.

Hinala naman ng SOCO na posibleng sa bintana dumaan ang mga salarin.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.