Lola, Tigok; 4 Sugatan sa Karambola ng 3 Sasakyan

PATAY ANG 79-anyos na lola habang sugatan ang apat na iba pa matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Dagupan City.

Kinilala ang nasawi na si Nazareria Javier, 79, balo at residente ng Brgy. Dumalandan, Lingayen.

Habang kinilala naman ang ilan sa nasugatan na sina Alvin Marzan, 33, residente ng Brgy. Gueguesangen sa bayan ng Mangaldan, at Jesus Javier, 53, isang barangay kagawad sa Dumalandan, Lingayen.

Lumalabas sa  im-bestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang insidente sa Brgy. Bonuan Binloc sa lungsod matapos magkarambola ang isang tricycle na minamaneho ni Marzan, isa pang tricycle na minamaneho naman ni Javier at isang kotse na dala naman ni Delos Santos.

Samantala, agad pang naisugod sa ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang lola habang nilalapatan ng lunas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.