Lola Sela Bungangera, tinakbuhan ng nakasagang taxi!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth to the maximum authority of chikka ng yours truly at bonggang-bonggang eksena na naman at thanks God it’s Friday!

Nakakalungkot naman ang naging eksena sa aking naging lola-lolahan sa radio na si Lola Sela Bungangera. Noong Nakaraang Nov. 2 ng mada-ling-araw, nabundol siya ng isang taxi habang patawid siya sa UNTV. Naku, nakakaloka ang taxi, tinakbuhan siya! At ang nakakita sa kanya ay isang tricycle driver na nagdala sa kanya sa East Avenue Medical Center. After nu’n, inilipat na siya sa St. Luke’s Medical Center, at mukhang okay na naman ang kalagayan niya.

Kaya lang sana, makunsensiya naman ang nakabundol sa kanya, kasi nakakaawa naman ang nabundol niya ‘di ba?

Napakasipag talaga nitong si Lola Sela, at talagang lahat ng trabaho ay pinapasok niya, kahit may edad na siya. Sana maging okay ang kalagayan ni Lola Sela matapos ang insidente.

 

ANYWAY, HETO NAMAN ang another chikka na talaga namang maloloka ka sa Earth, dahil marami ang bali-balitang kupas na ang ganda nitong si Vice Ganda. Pinag-uusapan kasi kung talaga bang kumita o hindi ang pelikula nitong Praybeyt Benjamin.

Ayon sa Viva, kumita raw ito ng P110 million in 4 days. Ano naman kaya ang ibig sabihin nila du’n? Na talaga namang mas kinabog pa nito ang No Other Woman, at gusto nilang iparating na mas maganda pa si Vice kesa kina Anne Curtis at Cristine Reyes? Hahaha!

Naku, ang padding nga naman, ma-daling agawin para malihis ang tao, samantalang parang hanging biglang nawala sa mga sinehan ang pelikula ni Vice Ganda.

Naku, nakakaloka! Isa na siguro ang matutuwa rito, eh ang Wonder Gays, kung ganu’n  ang  na-ging effect ng pelikula nila. Kasi naman, hanggang ngayon yata, hindi pa rin pinapansin ni Vice Ganda ang Wonder Gays. Sa pag-tweet naman, may time siyang sumagot, samantalang kung imbitahan kaya siya sa concert nila, maki-join kaya si Vice?

Kung ako sa kanya, dyu-join ako para malinis niya ang name niya na wala siyang sinasabi sa mga bakla, ‘di ba? At in fairness, pangalawa na nilang concert ito sa Zirkoh. Naku, bongga ito ‘pag naging regular sila at hanap-hanapin na  sila ng mga tao du’n.

Nakakaloka! Anyway, antayin na lang natin ang sagot ni Vice Ganda. Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Lola Sela Bungangera, tinakbuhan ng nakasagang taxi!

  1. To date, over 200 million na. Marami bang beki diyan sa Pilipinas ? Kasi, baka ito ang marami sa mga supporters ng movie ni Vice.

  2. cguro gimik lang ng mga kampon ni kabayo ang sinasabing sikat ito. wala naman talagang nanonood sa shows niya kahit sa noontime show. Pwe!!!!!!

  3. Tanga mo shebie. bakit nanuod ka pa? bakla ka rin nman ah. so ibig sbhn, lahat ng bakla baboy? Tanga eh. stupid stupid stupid

  4. ANG PANGIT NG MOVIE NI KABAYO………..WAG PANOORIN AT PURO WALANG KUENTA AT KABABUYAN NG MGA BAKLA ANG NANDUN…………HAHAHAHAHAHA

  5. sino b yan wonder gays n yan..mga unknown..lagi prinopromote ni swarding..nsa mga sinehan pa po ang praybeyt benjamin..at patok s takilya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.