Lola pisak sa truck

 

KALUNOS-LUNOS ANG INABOT ng isang 81 anyos na lola makaraang masagi ng isang truck sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Sa ulat  na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Patria Valderama, residente ng Barangay Ilaya, Ivisan, Capiz.

Ayon sa Ivisan Municipal Police Station, malaking sugat sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima makaraang masagi ito ng truck na kargado ng shampoo sa nasabing lugar pasado alas-10 ng umaga kamakalawa.

Tinangka namang isalba ang biktima ng mga nakasaksi at dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital subalit binawian din ito ng buhay.

Bukod sa sugat sa ulo, nabali umano ang buto sa likod ni Valderama.

Nakakulong naman sa Ivisan PNP ang driver ng truck na humiling na itago na lamang ang kanyang pangalan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.