Lola, Pinugutan ng Ulo

PATULOY ANG isinasagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan ukol sa naganap na pagpugot ng ulo sa isang magsasaka na lola sa Brgy. Mapgap, Baybay, Leyte.

Base sa pagsisiyasat, ang  nasabing biktima ay kinilalang si Catalina Lariosa, 72, kung saan pinugutan ito ng ulo sa kanyang lupain ng hindi nakilalang salarin.

Ayon naman sa pahayag ng barangay chairman ng Mapgap na si Lucendro Esperanza, sinabi nito na palaisipan sa kanila ang ginawang karumal-dumal na pagpaslang sa lola dahil mabait naman ito at wala rin silang nababalitaan na may kagalit ito.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang taong responsable sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.