Lola, Pinatay sa Sakal, Inilibing pa ng Ka-Live-In

PATAY NA nang matagpuan ang isang lola na mahigit isang linggo nang pinaghahanap ng kanyang pamilya matapos maireport na nawawala sa bayan ng Bolinao sa Pangasinan.

Naaagnas na ang katawan ng biktimang si Lolita Camba, 66, nang hukayin ng mga pulis ang lugar na pinaglibingan sa matanda matapos umamin ang kinakasama nito sa ginawang pagsakal at paglibing sa biktima sa kanilang bakuran sa Barangay Binabalian sa nasabing bayan.

Sinabi ng mga awtoridad na nai-report sa kanilang himpilan ang pagkawala ng matanda siyam na araw na ang nakakalipas bago matagpuan ang katawan nito sa bakanteng lupa na pagmamay-ari ng magsasakang si Alfredo Caracas, live in partner ng biktima.

Inilibing umano ng salarin ang lola matapos nitong mapatay sa sakal ang biktima dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.