Lola, Patay sa Sunog

KASAMANG NASUNOG ang lola ng kanilang bahay dahil sa napabayaang gasera na gamit pang-ilaw sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng 3rd degree burn sa katawan si Inocencia Oplida, 90, ng Sitio Matarik, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng gabi, mag-isa sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang matumba ang gamit ng gasera ng lola.

Dahil sa katandaan, walang kasama at hirap na ring lumakad ay hindi na nakalabas ang biktima at kasamang nasunog ng kanilang bahay.

Napagtulungan ng mga kapit-bahay na mapatay ang apoy kung kaya hindi na nakadamay.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.