Lola, patay sa kawatan

BACOLOD CITY – HALOS mabiyak ang ulo ng isang lola makaraang pukpukin ng bato ng hindi nakikilalang mga kawatan sa lungsod na ito sa Negros Occidental.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Sr. Insp. Ro-bert Dejucos, chief ng Bacolod City PNP Station 10 ang biktima na si Elsa Sabillo, 50 anyos, ng Purok Paghidaet, Brgy. Handuman.

Sa imbestigasyon, nagising umano ang biktima dakong alas-4 ng madaling-araw noong Sabado nang mamalayang nasa loob ng kanilang bahay ang tatlong magnanakaw dahilan para pukpukin ng bato ang ulo nito.

Ayon kay Dejucos, dumaan ang mga kawatan sa bintana ng bahay  ng biktima sa pamamagitan nga pagkuha ng

jalousie at saka ni-ransack ang tahanan nito para hanapin ang salapi ng biktima.

Ayon naman sa pahayag ng isang 12-anyos na bata na kasama ng biktima sa bahay, napakinggan pa nito ang mga salita ng mga nanloob kaya agad itong sumigaw at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at doon tumakas agad ang mga salarin, ngunit patay na nang datnan ang kanyang lola.          (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.