Lola, Nireyp sa Sementeryo

NAGULANTANG ANG isang sepulturero sa Camarines Sur matapos makita ang hinukay na bangkay ng isang lola sa kanyang binabantayang sementero.

Bandang alas-5:30 kahapon ng umaga, nakita na lamang ni Vicente Almasco ang labi ng hindi na pina-ngalanang lola na inilibing lamang kahapon sa Nabua Catholic Cemetery sa Barangay Santiago Young.

Sinabi ni PO3 Gleen Loquias na nakahubad at nakahiga sa tarpaulin ang katawan nito at ang damit na suot ay ipinatong sa kanyang tiyan.

Isang lalaking may problema sa pag-iisip ang pinaniniwalaang may kagagawan ng naturang pangyayari.

Ayon kasi sa sepulturero, ang salarin ay nakatira sa sementeryo at ito lamang ang laging nag-iikot sa lugar.

Sa ngayon, inaalam ng SOCO ang posibilidad na hinalay ang naturang bangkay ng suspek na ngayo’y hawak na ng PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.