Lola ni Deniece Cornejo, negang-nega ang dating

1 Deniece-CornejoBIDA SA awiting Copacabana ni Barry Manilow ay si “Lola,” isang show girl.

Based on its lyrical content, naikunek tuloy namin ang mga salitang “lola,” “show” at “girl”: si Lola Florencia, ang It’s Showtime at ang girl na si Deniece Cornejo.

Hindi na bago sa pandinig ang pangalang Ginang Florencia, siya lang naman ang 62 year-old lola ni Deniece na magkamatayan man ay handa niyang ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang apong pinaninindigan niyang nireyp ni Vhong Navarro.

Being the Startalk writer assigned to this continuing saga tungkol sa usaping ito, the most “nakakaumay” part ay mula sa kampo ni Deniece, na para sa amin ay the “girl who cried she-wolf.”

For what it’s worth, sa ikatlong pagkakataon ay isa na namang ayaw-paawat na Lola Florencia ang nainterbyu ng Startalk. Ikalawa ang panayam ng Startalk sa kanya (na hindi umere) took place on March 2, kasama ang kanyang abogado. Ang ikatlo ay nitong Biyernes, March 7.

Both interviews were arranged with and by Deniece herself.

Natutukan namin ang parehong panayam na ‘yon: negang-nega ang dating ni Lola Florencia. Mas matindi ang kanyang March 7 interview as she was shouting at the top of her voice.

Pero saan ka, may emote pa siya na kesyo bago raw siya sumalang sa interbyu ay naninikip daw ang kanyang dibdib na muntik na raw niyang ika-collapse, kaya dalangin niya kay Lord ay huwag na raw muna siyang kunin dahil nais niyang ipagtanggol ang kanyang apo.

Again, we’d like to give Lola Florencia the benefit of the doubt, even if the public would rather give this “hypochondriac” elderly the doubt more than the benefit.

Still again, hindi ang tinig ng lola ni Deniece ang gustong marinig ng sambayanan…nasaan ang mismong ina ng umano’y minolestiya ni Vhong?

 

JUST WHEN you think na sa usaping pork barrel scam lang nagaganap ang laglagan as in the case of Senator Juan Ponce Enrile who seems to make his former staff Gigi Reyes solely responsible for a crime attributed to him—heller!—mas matindi ang laglagang nagaganap sa lingguhang episode ng Picture! Picture!

In the course of this picture-aided general knowledge game show, may tatlong yugto ng laglagan among the four celebrity players ang nangyayari via kickout questions.  In each of these portions, mahigpit ang host nitong si Ryan Agoncillo sa mga manlalaro with their hands at the back, at kailangang hintayin munang matapos ang kanyang tanong bago mag-swipe to sound off the correct answer.

Hindi roon natatapos ang challenge, as the lone survivor who’s able to hurdle the third and last kickout question is given two options bago niya makamit ang half a million pesos na jackpot prize.

Dito na pumapasok ang Selfie o Help Me which further builds up the program’s momentum. Sa Selfie, the sole winner gets to play all by himself sa pamamagitan ng pagsagot ng lima out of 10 pictures nang tama; while sa Help Me, desisyon niyang kupkupin ang tinalo niya.

Dahil well-received ang junior edition ng Picture! Picture! kamakailan, sa darating na Sabado ay ibang mga Kapusong bagets naman ang pagsasabungin. Sila ay sina Barbara Miguel, Mona Louise Rey, Kyle Ocampo at Joshua Uy.

Mga ‘di matatawarang child prodigies sa larangan ng drama, sino kaya sa apat na ito ang may ipangdaragdag sa kanilang trust fund to tide them over until they grow up?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Lola ni Deniece Cornejo, negang-nega ang dating

  1. dapat kc bago ngsalita s lola,dapat yun magulang at kapatid muna ang nagsalita kung totoong sinusuportahan nila s deniece. Given pinalaki nya ng maayos si deniece, hindi nangangahulugan n alam n nya ang pinaggagawa nito kpag kasama na nya yun mga friends nya. Syempre kung pakawala syang babae ibubulgar ba nya yun s pamilya nya?

    • Ha ha ha yan din ang na isip ko.May dala dala pang abogado kala mo kasali sa sampahan o gulo.etschucherang palaka pala tong lola ni koneho,parang may ruskang maluwang sa kukuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published.