Lola ni Deniece Cornejo, nagmumukhang kontrabida

Deniece-Cornejo IF IT were a TV or a film production, ang dapat sana’y bit player lang na si Mrs. Florencia Cornejo ang bumida nitong Biyernes sa Taguig City RTC, kung saan dininig ang petisyon para makapagpiyansa ang kanyang apong si Deniece—alongside Cedric Lee and Zimmer Raz—sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.

Scene stealer si Lola Florencia who arrived wearing a T-shirt on which naka-emblazon ang mga katagang “Justice For Deniece, Jail The Rapist!”

In the so-called dramatis personae, kung tutuusin, ang lead cast sa mala-dulang ito ay si Vhong at ang mga akusado. Puwedeng second lead ang immediate kin—mga kapatid o magulang—nila. But for a lola to be part of all this legal stage play, isang malaking teka muna.

Nalagasan na ba si Deniece ng kanyang mga blood-related kin kung kaya’t ang walang-kapagurang lola na lang niya palagi is taking the bullets for her?

Proof of Lola Florencia’s another agaw-eksenang court appearance ay ang umano’y kuwento niya tungkol sa kanilang face-off ni Vhong sa CR ng gusali ng korte near the restroom.

Wearing that T-shirt with that statement ay sinita raw siya ni Vhong. Katuwiran daw ni Lola Florencia, freedom of expression lang daw ‘yon na sinang-ayunan naman ng tumatayo nang lead counsel ng kanyang apo, si Atty. Ferdinand Topacio.

Nakaagaw raw ng atensiyon ang paghaharap nilang ‘yon ni Vhong prompting the judge para sabihing no provision under the law ang nagbabawal na magsuot ng T-shirt lalo’t kung isinasapubliko lang daw ng nagsuot ang kanyang saloobin.

Bersiyon pa ng lola, cool lang daw siya ng mga sandaling ‘yon although ang kanya umanong pagkahilo almost made her faint, worse, muntik na raw niyang ikamatay! Balak pa nga raw niyang ipa-blotter ang insidenteng ‘yon.

Sa panig ni Vhong, mariing itinanggi ng kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga that there arose an altercation. Kung ‘yun daw ang ipinamamarali ni Lola Florencia, so be it.

On Deniece’s part sa pamamagitan naman ni Atty. Ferdinand Topacio, kinumpirma niyang totoong may narinig siyang pagtatalo sa labas ng CR, not realizing na si Lola Florencia pala ‘yon.

In fairness to the lawyer, namagitan na siya para humupa na ang tensiyon.

Sa totoo lang, para sa mga kababayan nating nakatutok sa kasong ito, nakatutuwang-nakaiinis ang presensiya ng lola ni Deniece. Sa halip kasi na kaawaan man lang nang bahagya si Deniece, her contravida grannie is making everything all the more difficult for her!

Base sa kanyang itsura, during her younger years ay artistahin si Lola Florencia. Pero bakit kung kalian siya nagkaedad ay tila nagpapahiwatig siya na gusto niyang mag-artista?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Lola ni Deniece Cornejo, nagmumukhang kontrabida

    • All I can say is that lola is just “kargante”
      Just to get some attention she will even settle for negative attention.

  1. There’s a fine line between a grandmother seeking justice for her grandchild and a person with no breeding and urbanity.

  2. HIndi naman ganun. Kung kayo siguro ang na sa shoe nang apo niya na si Deniece siguro hindi lang ang ganyan ninyong gagawin, kundi much more pa. Huwag ninyong gawin katatawanan o gagawin sinugaling ang mga biktima like Deniece. Kayat maraming ni rerape dito saating bansa dahil sainyo (Blamed VICTIMS). Mas paniniwalaan pa ang rapist katulad ni Vhong kaysa mga biktima. Alam ko nagsisinungaling lang yan si Vhong hindi si Deneice. At alam ko (opinion ko at freedom of expression lang po katulad ni Lola) na ni rape talaga si Deneice ni Vhong Navarro nagsisinungaling lang siya, ganun talaga ang mga rapist eh, lahat nang kasinungalingan ididiin niya sa mga Victims (Case of Karen Vertido- Jose B. Custodio In Davao City the accused acquitted all charges of rape – March 29, 2006 right after rape, ni report niya sa Police, Examination and legal matters para ma e e akyat niya sa court pero anong nangyayari, acquitted ang akusado), dahil alam niya malulusutan niya (1st, 2nd and 3rd complaint against Vhong) dahil sikat siya at sa kanya kayo maniniwala? –Hindi ako o kami mga biktima nang karahasan sa mga lalaking walang kaluluwa. — Sir Ronnie alam ko po na galit kayo sa grupo ni Deneice (o gawin ninyo kontrabida ang biktima o kamag-anak) pero I hope na ilalagay lang po sana ninyo ang aming hinanain isip mga babae na naghahangad nang Justice para makulong at bigyan nang leksyon ang akusado para hindi mauulit pa. Para ang mga ibang biktimang na ni rape ay para lumabas na, hindi nahihiya, hindi nagtatago at hindi natatakot na mag SPEAK OUT o MAGSALITA NA AT LUMALABAN NA. Pasensiyahan na po ninyo. ==Hindi kame ka ano ano nina Deneice o Cedric. Hindi ko po sila kilala si Deneice in person, napapanuod sa TV o nababasa ko lang po sa news. Salamat po sana pagpasensyahan mo po. Ibig lang po namin na marating ang hustiya (na sumubok makigpaglaban sa kanyang RIGHTS) hindi sana gawin katutuwaan ang aming hinanain. Biktima then ako rape.

    • Kung totoo kng na rape lumabas ka at magsumbong sa kinauukulan wagka mahiya ipaglaban mo krapatan mo at katotohanan,kakampi ka namin,iba iba nmn kaso nyan meron tlaga na totoong rapist na magaling din magsinungaling,pero meron din na kunwari na rape kahit indi nmn totoong na rape tulad ni deniece,wlang kakampi sa totoong rapist(patawa ka nmn)….c Deniece nga na indi totoong na rape lumalaban ikaw pa kya…malalaman nmn yn at umuusad na kaso kung cno sinungaling sa kanila..indi lht nmn ng tao ay aayon ke Vhong kung me konting katotohanan sa mga cnabi nya kaso wla nakangiti pa nga cya sa cctv at sabi cguro nya selos c puro Ngiti at nangwarta agad…kawawa nmn ang mga tunay na biktima..pati cla nagagamit ng mga halang na kaluluwa ng mga tao..ang mali ke Vhong me gf na at nambabae pa,ayan napala nya yung kinuha nyng babae me hawak pla sa knya ay c Ngiti at Ngisi na lng ang natira.

    • Rape is an heinous crime. I feel for you if you are indeed a victim of such crime but I don’t think it’s just for you to give judgement on this case based on associating what happened to you to what so-called happened to Deneice.
      Fact 1: The case being tried here is the serious illegal detention case vhong filed against Cedric and co.
      Fact 2: Deneice’s rape case vs Vhong was dismissed by the DOJ due to improbable cause (meaning maaaring Hindi nangyari pero Hindi imposible). This decision is based on the investigations done and on the affidavits and counter-affidavits of both parties.
      So let’s wait for the decision of the court and not point fingers. Let’s side with the truth and the truth only.
      It is good that you find Deneice’s “courage” inspiring but that’s not relevant to this case. I highly suggest you gather as much evidence as you can and file a case against your rapist.

  3. Kahiya hiya ang mga suot nilang tshirt feeling ni rape tlaga apo nya….kawawa nmn cla,nagmumukha cla katawatawa pamilya…c deniece yta di nmn nagsuot nung pinangangalandakan nilang logo nila….

  4. bakit ang lola ang umi-eksena? Nasaan ang mga parents niya? Siguro neglected child si deniece nung bata kaya siya nagkaganyan.

  5. dba pinag bawal na nong judge pumunta yong lola sa hearing dhil sa pag sigaw sigaw nya kay vhong, o bat ngayon nandon nnmn at gumawa nnmn ng eksena, masyado na ba silang desperado kya ngayon yong abogado nmn ni vhong ang tinitira nila. kung d sya gumwa ng eksena nong unang hearing bka may maniwla pa sa kanya.

  6. So cheap naman ang emblazon ng t-shirt ng mga kampo ni Deniece, kitang-kita na naidikit lang sa tshirt. lol!

  7. Ha ha ha balak din mag artista ni lola at di kaduda dudang kamag-anak sila ni Deniece pariparihong sinungaling.

  8. Baka gusto pong samahan ni Lola ang kanyang Apo sa loob ng kulungan kaya ganyan nalang siya makapagsalita!! Naku po Lola… !

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.