Lola, Natusta sa Sunog

PATAY ANG isang lola sa nangyaring sunog sa kanyang bahay sa Barangay Balat-an, Mambusao, Capiz.

Sunog na katawan ng 88-anyos na si Lola Leonila Oso ang nadatnan ng kanyang pamil-ya matapos dumating sa lugar makaraang malaman ang nangyari sa kanilang kaanak.

Ayon kay SFO2 Donnie Acevedo, municipal fire marshall ng Mambusao Fire Station, kinumpirma nito ang pagkamatay ni Oso na isang matandang dalaga ang mag-isang naninirahan sa kanyang maliit na bahay.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Mambusao municipal fire station na posibleng bumagsak ang lampara na ginagamit na pailaw ng biktima o nagluto ang biktima at nakalimutan na patayin ang baga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.