Lola, Natangayan ng Higit P200-K ng Budol-Budol

TINATAYANG AABOT sa P200,000 na halaga ng cash at mga alahas ang natangay ng budol-budol gang mula sa isang lola sa Tacloban City.

Ayon sa biktima na si Melagros Gorgonia, 78-anyos na negosyante, may asawa at residente ng Del Pilar St. ng nasabing lalawigan, bigla siyang nilapitan ng isang babae na nagpakilalang dating kaibigan na kauuwi pa lamang galing Canada.

Pinasakay umano siya ng van at kumain pa sa isang food chain bago pinuntahan ang tirahan ng biktima.                                                                                                                                          Isinagawa umano ng budol-budol gang ang transaksyon sa bahay mismo ng biktima kung saan inabot sa kanya ang isang malaking envelope na mayroong packaging tape na umano’y naglalaman ng malaking halaga kapalit ng kanyang mga alahas.

Hindi pa nakuntento sa mga alahas, nagpunta pa ang mga ito sa bangko at doon ay nag-withdraw ng P102,000 na cash ang biktima upang ipalit sa sobre ng mga salarin.

Matapos nito ay ibinigay ng matanda ang kanyang na-withdraw na pera at doon ay pinayuhan siya ng mga suspek na mauna nang umuwi sa kanilang tahanan.

Ngunit makaraan ang ilang oras na paghihintay, nalaman ng biktima na puro mga nakatuping notebook ang nilalaman ng sobre na ibinigay sa kanya ng mga salarin.

Dahil dito, wala nang nagawa ang biktima kung hindi i-report ang nasabing insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.