Lola, Nalasog sa Bus

PATAY ANG isang lola matapos mabangga ng isang bus sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Dolores Joven, 78, isang kasambahay at residente sa naturang lungsod.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagpaalam lamang ang biktima na bibili ng kape ngunit habang ito ay naglalakad ay nabundol ito ng bus na minamaneho ni Aurelio Petedes, tubong-Ilocos Sur.

Tumilapon pa ang biktima dahil sa malakas na pagkakabangga nito, dahilan upang magkalasug-lasog ang katawan ng matanda.

Itinakbo sa pagamutan ang naturang lola pero idineklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon, ang driver ng bus ay nasa kustodiya na ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.