Lola, Nakipag-agawan ng Baril sa Nanutok

MATAPANG NA nakipag-agawan ng baril ang isang lola sa isang armadong suspek na nanutok sa kanya ng baril sa Brgy. 38-A Mangato, Laoag City.

Nakilala ang magiting na lola na si Anita Domingo, 67, na nagbabantay sa kanyang tindahan nang may tatlong armadong lalaki na bumili ng maiinom at sigarilyo.

Ayon kay Lola Anita, lumapit sa kanya ang isa sa tatlong suspek at tinanong kung magkano ang babayaran.

Nang sasabihin na sana ng biktima ang babayaran ng lalaki ay bigla niyang naramdaman ang nakatutok na baril sa kanyang leeg.

Narinig pa umano niya na kinalabit ng suspek ang baril ngunit hindi pumutok kaya nakipag-agawan na siya sa hawak nitong armas.

Dahil sa pagsigaw at paghingi ng saklolo ng biktima sa mga kapit-bahay ay agad tumakas ang mga salarin kasama ang dalawang iba pa.

Samantala, blangko pa rin ang PNP sa motibo at pagkatao ng mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.