Lola, lumutang sa palaisdaan

LUMUTANG ANG bangkay ng hindi pa nakikilalang lola sa palaisdaan sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Tinatayang nasa edad 60 hanggang 65 ang biktima na nakasuot ng gray na short pants, puting T-shirt at jacket na asul.

Sa ulat, alas-2:40 ng umaga nang makita ng caretaker na si Eddie Besanes, 33 na palutang-lutang ang bangkay ng biktima sa binabantayang palaisdaan ng una sa Rodriguez 2, Merville subd., Dampalit ng lungsod.

Agad na ipinaalam ni Besanes sa mga pulis ang nakita kung saan nang respondehan ay wala namang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima na dinala na sa Floresco Funeral Homes.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima alas-2 ng umaga na nakaupo sa tabi ng tinutuluyan ni Besanes sa nasabing palaisdaan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.