Lola, Lasog sa 2 Sasakyan

PATAY ANG isang 71-anyos na babae matapos mabundol ng dalawang humaharurot na sasakyan sa Barangay San Antonio sa Pila, Laguna.

Kinilala ang nasabing biktima na si Patricia Abe, residente ng Barangay Balasan sa Sariaya, Quezon.

Lumalabas sa pagsisiyasat , papatawid ang biktima nang mag-overtake ang kulay maroon na SUV sa isang Hyundai van na minamaneho ni Alfredo Casimiro.

Nasapul at nagulungan ng dalawang sasakyan na parehong patungo sa direksyon ng Santa Cruz ang biktima na tumilapon pa ng ilang metro at nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan at pagtugis sa tumakas na driver ng kulay maroon na SUV.

Sasampahan din ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide si Casimiro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.