Lola, laglag sa bato

KALABOSO ANG isang lola matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Angelina Bancod, 50, ng Champaca St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtutulak ng Shabu ang suspek sa nasabing lugar na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation.

Nang iabot ng suspek ang sachet ng Shabu kapalit ng P200 mula sa pulis na umaaktong bibili ay agad na dinakip ang una at nakuhanan pa ng isa pang sachet ng Shabu nang kapkapan.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.